kilala bilang shalma, shalmers, shalmamers, shalmama, shalmamater, shining, portia, mai, shantal, shamel, shalmie, shalms, sha..o sha!! tama na yan!! andami pa e! imbento pa kayo kung gusto nyo...lahat yan pangalan ko e...mahilig sa rock en roll na OPM..ang aking bandang bamboo..isang proud na believer..makulit, cute, maliit, maingay, masaya at asteeeg!!
Ngayon, Soundtrip naman tayo mga kafatid!
"LIGHT YEARS" by Bamboo
Hello... Goodbye...
Leave me alone
Don't wanna be with anyone
Lie awake in bed
My eyes are closed
I bet you think I'm wasted
Hit me if you think it's worth it
If you think I've crossed the line
I'll see you somewhere
Out there
I know you think I'm crazy
Or a schizo maybe
Or a drug fiend addict
But I know what's real
I know you faked it
Coz lies are what we have in your world
Read all the books of life
Looked at myself
Where did the years go?
They're lost within the pages of time
If you think I've crossed the line
I'll see you somewhere
Out there
Something about it makes me
Something about it takes me
Something about you makes me
High
So high
Me and my folk guitar
We've seen
A glimpse of the wild world
It's beautiful, it's crazy
A lot of people that we know
They talk about us
They say we've lost it
They're too far away from Venus I say
If you think I've crossed the line
I'll see you somewhere
Out there
Coz light years from now
They'll find it somehow
Coz it's beautiful out there
"BURN OUT" by Sugarfree
O, wag kang tumingin ng ganyan sa akin
'Wag mo akong kulitin, 'wag mo akong tanungin
Dahil katulad mo, ako rin ay nagbago
'Di na tayo tulad ng dati, kay bilis ng sandali
CHORUS
O, kay tagal din kitang minahal
Kung iisipin mo, 'di naman dati ganito
Teka muna, teka lang, kelan tayo nailang?
Kung iisipin mo, 'di naman dati ganito
Kay bilis kasi ng buhay, pati tayo natangay
[Repeat CHORUS]
Tinatawag kita, sinusuyo kita
'Di mo man marinig, 'di mo man madama
O, kay tagal din kitang mamahalin
Oi guys! salamat sa pagbisita! mag-tag lang kayo nang mag-tag!!! washteeg! :p
|
 |
Jun 14, 2007
June 2, 2007
*treason barricades unity among brothers*
and sisters for that matter.
Fuck! i can't believe i'll ever write this. Never. In my whole life, i can't believe THIS shit can happen.
I value friendship more than anything and i guess you've taken it for granted.
I hate you and I'll hate you forever.
Don't give me that fucking reason that you can't suppress that feeling.
Don't ever tell me you care for me and you don't want to hurt me.
It's not true. Coz if you really did care for me, it will never happen.
You did efforts to make it happen. In fact, you did everything to make it happen.
Don't lie, it will do you no good. I have larger connections than you do. And i knew everything before you even told me.
And lastly, hope you learn how to respect everyone who loves you. Coz they'll be with you no matter what happen and that bitch/asshole can't do that.
So fuck off your lies! Hope you'll be happy. +principle of opposites+
04:39 am na nang pinost ito ni shalma
Permalink
Feb 24, 2007
Dumating ka na sana!
Bakit di ka man lang nagbilin na may balak ka pala biglang mag-ice skating? Kung di ka pa tinawagan, maiisip mo kayang ako'y DI BALE NA! Nakakasawa din pala kapag paulit-ulit ang buhos ng galit!
Parang ayoko na yata, nakakapagod din pala ang iyong mukha... At kung may balak ka pang ulitin sa kin yon. May ibubulong ako sa yo. putang ina mo!
Bakit nagtitiyaga sa'yo? Ang dami-dami kong reklamo! Parang ayoko lang magsalita..parang ayoko na yata. Ang daming dapat sabihin,alam ko na kung pano gagawin Akala ko siguro na hindi ko kaya.
At nung ika'y dumating mula sa iyong pag-a-ice skating Wala akong nasabi kundi."Napagod ka ba?.Kumain ka muna!" Pagkat di ko kayang magalit..Pag nakita na kita, tumatamis ang pait :( Laging pinipilit na magsungit ngunit di bale na! Napapatawad na kita..hindi na magagalit.wag lang ma-ulit.
At nung tayo'y kakain na..biglang sinabi mong may lakad kang iba At kahit gusto sana kitang awayin na,.sinabi ko."bahala ka.basta mag-ingat ka"
Parang ayoko na yata ngunit wala naman akong magagawa Marahil, sobrang alam mong di ko kayang mawala ka. Maswerte ka't mahal kita.ang malas talaga!
07:28 pm na nang pinost ito ni shalma
Permalink
Dec 3, 2006
*naubos na ang sandali ng buhay niyang kasinggulo ng sa pelikulang wala namang istorya*
HAAAAAAAAAYYYY....grabe ang immature ko, ang babaw ko...para akong bata...
pero may rason naman ako para mainis...:(
bhala siya...sya rin mags-suffer sa gnawa nya..amp.
09:17 pm na nang pinost ito ni shalma
Permalink
Nov 19, 2006
*Sana ay mamulat ang matang bulag, nag-iisa
lang naman ang Diyos*
Sino ba ang
putanginang nagsabi na ang magulang ang tama palagi…hindi na ba sila tao?? Na
hindi sila nagakakamali?? Bakit, nagkataon lang namang anak nila ako ah! Hindi
ba nila alam na kaya ko namang mag-isip ng tama para sa sarili ko? Hindi ba
nila alam na kung di dahil sa pera, kaya kong mabuhay nang mag-isa…dahil kahit
kelan, hindi kami naging close, kahit nasa iisa kaming bahay…hindi sila naging
part eng paglaki ko, mga natutuhan ko sa buhay at kung ano ako ngayon…
Alam nyo kung
bakit?? Wlang matinong communication dito sa bahay nato…Ang putanginang
importante lang sa nanay ko ang pag-aaral ko…na putanginang sinusumbat ng bawat
magulang sa mga anak nila…tama ba yun ha??? Yun nalang ba talaga ang importante
sa mundo?? Sinasabi nilang hindi nila ginagawa yun sa magulang nila dati? E ano
ngayon! Kaya nga ganyan sila ngayon eh!! Mas mabuti pang hindi nalang nila ako
pansinin, dahil bawat magkaka-usap kami, nade-demonyo ang utak ko…Hindi ko haayaang
maging ganun ako dahil magiging ganun ako sa mga anak ko kapag hinayaan ko sila
at ako’y sunod nalang ng sunod…HINDI AKO GANUN…at ayoko maranasan ng mga anak
ko yung feeling na kahit nasa matinong katinuan na sya, wala na syang ginawang
tama…na never nyang matuturuan ang ibang tao…dahil ba mas matanda sila, hindi
pwedeng mas mataaas ang sinasabi ko sa kanila??
Nakaka-awa
ang mga kabataang hindi napapakinggan at hindi na magawa ang gusto nilang gawin
dahil sunod lang sila ng sunod sa mga baluktod na pananaw ng mga magulang
nila…dahil magulang sila…tignan muna nila sarili nila….
Hindi ako
nagtatakang dumadami ang kaso ng suicide. Dahil kahit sawing sawi pa sila sa
pag-ibig, kung nararamdaman nilang importante sila sa bahay, hndi sila
magpapakamatay. Hindi ako nagtataka na dumadami ang kaso ng maagang nabubuntis
dahil binibigay nila sa mga lalaki ang buong pagtitiwala nila at nararamdaman
nilang hindi sila sasaktan nito. Naiintindihan ko kung bakit importante ang
kaibigan, dahil ang mga kaibigan ang nakakaintindi at mga nakkikinig…
Bullshit yung
pinagsasabi nilang, “Matutulungan ka ba ng barkada mo pag tanda mo?” oo,
maaring hindi…pero minsan, mas naninimbang kung ano ang ngayon..kung saan ka
masaya…dahil alm mo kung saan mo malalaman
ang kung ano ang pwede at hindi na kailanman mababago…ang mas
nakakaintindi at natututo sa pamamagitan ng kanilang mga kwento..nalalaman mo
kung ano ang normal at hindi. Hindi ko alam kung dahil sa age gap lang to
eh…kapag tanda ba naming, ganito parin ang pag-iisip ng mga magulang? Magiging
ganito rin ba kami? Kung magiging ganito ako, kawawa naman ang anak ko, kung di
siya kaging-tatag ko…siguro nagpakamatay na siya 3 years ago…
Sino bang
nagbigay ng karapatan sa bawat magulang na manakit ng mga anak nila…Bawat
salita may sakit… putangina, hindi nako magsasalita kahit kelan, dahil bawat
salita ko sagot na para sakanya…ayoko maging katulad nila…
Putangina.
Sinasabi nilang nagbago ako nung nag-college ako. Ang masasabi ko, sumama man
ang ugali ko, nag-iba man ang prinisipyo ko. Ginagawa ko naman ito para sa
sarili ko…Dahil hindi nila alm kung ilang tao sa paligid ko ang ginamit ako at
nag-balewala sakin nung mabait ako…Hindi ka mabubuhay sa mundo kung wala kang
prinisipyo..kung wala ka man lang effort na baguhin ang mga nakikita mong mali…na
sumusunod ka nalang sa agos ng buhay. Mawawalan ka lang ng identity, hindi ka
man lang tatatak sa mga nakilala mo at mamamatay ka nalang na hindi namamalayan
ng iba.
Ayoko
maging ganun….at hinding hindi ko gagawin ang ginawa nila…
Buti
sana kung naging asensado sila sa buhay…buti sana kung mababait man lang silang
mga magulang sakin…buti sana kung at least, may pakialam siya sa buhay
ko…maliban sa magiging trabaho ko sa future at ang pag-aaral ko sa ngayon…
marunong ako
makinig sa iba…kahit sa mga magiging anak ko…Dahil bukas ang isip ko na lahat
tayo nagkakamali…
Wala nakong
karapatang magsalita…Hindi nila ako naiitindihan dahil putanginang tinatatak
nila na sila ang magulang at never sila naging kapant ay namin…Mag-usap daw
kami e sila lang naman nagsasalita…usap ba yuN?? Ma, monologue tawag dun…
Putangina hndi
nga nila alam kung ano pa ang ibang nangyayari sa buhay ko e…kundi ang bagsak
sa math 11 ko at ang incomplete ko sa polsci!!!!!!! Putangina, wala nga silang
nalaman kahit kelan sa kung ano ba ang nararamdaman ako at kung saan ako
masaya. Alam ko na ang mga dapat ko lang ikwento dahil doon lang sila
interesado…Bakit ba may putanginang mga taong hindi marunog umintindi at
tumanggap ng pagkakamali nila?? Sana maging proud sila na kahit bata pa ako,
nakakapag-isip ako ng mga ganito…oo, masama at kakaiba ito…pero kelangang may
kumontra para makapag-isip ang mga tao….kaya nagiging tanga ang mga tao
eh…sunod lang sila ng sunod…hindi man lang nag-iisip para sa sarili nila.
Sa totoo,
naiintindihan ko naman sila eh…at alam na alam na alam ko ang mga pagkakamali
ko..pero alam mo kung bakit di ako nagbabago?
Dahil ginagawa
nila iyon paulit-ulit…pinipilit nilang gawin ko ang gusto nila tapos sila,
hindi nila tinatama pagkakamali nila…Pinagpipilitan nilang tama sila na kahit
tanungin pa nila ang Diyos, madadagukan sila dahil sa nagtatanga-tanagahan
sila. Wag nyo kong isipin na masama talaga akong tao sa pinagsasasabi ko...pwedeng mali din ang mga pinagsasasabi ko dito...pero hindi lahat ng bagay ay naisasantabi nalang basta-basta.
HINDI KA NAGING
MAGULANG PARA MAGING MAGULANG LAMANG.
12:38 am na nang pinost ito ni shalma
Permalink
Nov 17, 2006
People say that together we were both sides of the same coin That we would shine like Venus in a clear night sky We thought our love could overcome the circumstances But my ambition wouldn't allow for compromise
I could see in the distance all the dreams that were clear to me Every choice that I had to make left you on your own Somehow the road we started down had split asunder Too late to realise how far apart we'd grown. How I wish I, wish I'd done a little bit more
Now " Shoulda woulda coulda," means I'm out of time Coz "Shoulda woulda coulda", can't change your mind And I wonder, wonder, wonder what I'm gonna do "Shoulda woulda coulda" are the last words of a fool
People ask how it feels to live the kind of life others dream about I tell them everybody gotta face their highs and their lows And in my life there's a love I put aside, cause I was busy loving something else So for every little thing you hold on to, you've got to let something else go
How I wish I, wish I'd done a little bit more
Now " Shoulda woulda coulda," means I'm out of time Coz "Shoulda woulda coulda", can't change your mind And I wonder, wonder, wonder what I'm gonna do "Shoulda woulda coulda" are the last words of a fool
if I would now forsake the opportunities are fate I know I'm right where I belong But sometimes when I'm not so strong I..
wish I, wish I'd done a little bit more
Now " Shoulda woulda coulda," means I'm out of time Coz "Shoulda woulda coulda", can't change your mind And I wonder, wonder, wonder what I'm gonna do "Shoulda woulda coulda" are the last words of a fool
05:49 am na nang pinost ito ni shalma
Permalink
grabe antagal ko ding hindi nag blog...ayun...ahm, ano na ba ako ngayon...
mga 1-2 gigs a week nalang pero pinupunatahan ko parin lahat ng bandang gusto ko...nagkita na nga pla kami ni wawa at di naman ako inuwian ng...!!! ahm, acad, soro at org mode...as in!!!
dun muna ako sa may patutunguhan...hahahaha!!
ingat lahat!:)
05:40 am na nang pinost ito ni shalma
Permalink
*if I could be like that I'd give anything just to live in those shoes…if I could live like that, what would I do?*
haaaaaaay…inggitera nako…andami kong kinaka-inggitan…
kay kamz at di ko parin ma-explain kung bakit…baka kasi mahal na mahal siya ng lahat
kay jane na masaya kahit na sa iba parang mali…pero may thrill ang relationship nya at naumpisahan na nya ang thesis nya…
kay janers na andaming boylets….
kay mara at jax na nakalipat ng diliman..
kay monique na naka-get over na yata…
kay jobelle na super creative
kay deydey na kakaiba talaga…as in…chill
kay leo na wala na yatang gugustuhin sa buhay niya dahil napaka-perfect amp!
sa utol kong may libreng load galing sa sun…at ansaya nya kahapon dahil nag-first move ang crush nya…at ngayon, nalaman nyang nagbayad pa yung babae para maka-partner siya..san ka pa!
sa pinsan kong madaming pera dahil sa call center at boyfriend nya ang supervisor nya…rich..may kotse…
sa erpat kong cool na cool lang na parang walang problema sa buhay
kay gianne na di na yata alam kung paano ih-handle ang mga nagkakagusto sakanya na hindi sila magkakasira
kay wawa na hindi kinakagalitan ng kahit sino
kay laurice na masayang masaya sa boyfriend nya…
kay sysy na concentrated sa acads ngayon at inspired sa mahal nya…at MU cla…ansaya!
kay tats na masaya na sa mga simpleng kakiligan sa crush nya..
kay pony na madaming gadgets..
kay sir ponsaran na andaming alam sa buhay…"he's everywhere"
kay sir esguerra na isa sa tatlong nagp-paint ng painting na yun sa buong mundo…2 sa kanila ay nasa mainlang China
kay dasi na maganda at multi-talented
kay kuya Raymond na pa-banjing banjing lang at loko loko pero parang malayo ang mararating sa buhay
sa eraserheads at apo hiking society na mga living legends na
sa mga taong nawawala ang pagka-crush sa isang tao kapag nagkagusto din ito sa kanila
Sa mga nagbabandang kumikita ng libo-libo sa isang gabi at nag-eenjoy sila sa trabaho nila
Sa mga taong maraming trabaho at enjoy ang sideline nila…aka sir jal
Sa mga taong close sa ermat nila…
Sa mga taong tawa lang ng tawa pag lasing
Sa mga taong madaming pera
Sa mga taong nagagawa at nakukuha ang mga gusto nila..
Sa mga taong madaming plano sa buhay…
Sa mga taong masaya at kuntento sa buhay nila…
Sa mga taong mabubuhay pa ng matagal
Sa mga babaeng nagba-banda…
Naiinggit ako sa dating ako….:(
Hay leche.
* you can never be too happy in this life*
04:49 am na nang pinost ito ni shalma
Permalink
*bawat patak, anong sarap…ano ba talagang mas gusto mo?*
Sinabi ko after ng sem-ender..ayoko na ng beer!! Haha…mejo tinupad ko naman eh..kung dati, nakaka-ubos ako ng mga walong bote ng beer…ngayon, hanggang dalawa nalang..yun lang, emperador naman na long neck ang inuubos naming ni sysy every tuesday..
Alam nyo ba kung anong masarap kapag umiinom?…hindi naman ang beer eh…kundi…
Ang napakadaming emosyon na lumalabas
Ang napakadaming sikretong hindi nasasabi pag hindi nakainom
Ang umiigting pagkakaibigan
Ang mga first time
Ang mga relasyong nabubuo
Ang mga kwentong papahalagahan niyo buong buhay nyo
Ang mga pangyayaring paguusapan ninyo kinabukasan
Ang tunay na ugali ng tao
Ang mga prinsipyo sa buhay na ngayon mo lang narinig
Ang mga debate sa mga hindi na pinaguusapang mga bagay araw araw
Ang mga lasing na nagpapanggap na hindi pa lasing
At ang mga hindi pa lasing na nagpapanggap nang lasing
Ansaya noh? Kaya tara! Tagay na J
04:45 am na nang pinost ito ni shalma
Permalink
*isn't ironic, don't you think?*
Haaaay..iba na talaga ang mundo ngayon…naranasan nyo na bang bumaliktad ang mundo nyo ng ganito..
Ø Dati di ka makatiis na hindi mag-gig pero ngayon tinatamad ka na
Ø Dati puro tambay kayo pagkatapos ng gig pero ngayon umuuwi na lahat
Ø Dati hindi ka nalalasing sa inuman pero ngayon ikaw na ang binabantayan
Ø Dati hindi mo maintindihan ang mga nagpapakatanga sa pagibig pero ngayon ginagawa mo yun
Ø Dati kilala mo pa ang mga kaibigan mo pero ngayon hindi na
Ø Dati hindi ka naiinis kahit kanino pero ngayon lahat na kinaiinisan mo
Ø Dati wala kang iniisip pero ngayon parang masisira na ulo mo
Ø Dati wala kang pakialam sa acads pero ngayon parang gusto mo malaman lahat
Ø Dati wala kang pakialam kung normal ka lang pero ngayon gusto mo nang maging magaling sa lahat
Ø Dati masaya ka na sa mga simpleng bagay pero ngayo'y di ka na naku-kontento
Ø Dati nasasabi mo ang lahat pero ngayon may baul ka na ng sikreto
Ø Dati ang daling makahanap ng paraan para kiligin pero ngayon parang nakalimutan mo na paano
Ø Dati hindi mo maintindihan kung bakit nilalayuan nila ang lahat para lamang lumayo sa iisang tao pero parang ngayon, parang yun ang gusto mong gawin
Ø Dati wala kang gustong gawin sa buhay pero ngayon ang dami mo nang plano
Haaaaaaay…andami kong gustong gawin sa buhay ko….gusto ko masubukan lahat…
Gusto ko magturo sa private school, magaral ng law, mag-masteral ng English, economics at devt stud, ma-complete ang incomplete ko at mag-call center para sa pera.
Gusto kong mag-badminton at umakyat ng bundok,
Gusto ko maging rational ulit at magkaroon ng bagong lovelife.
Gusto kong mag-gig ng tahimik…na walang asungot at walang bwisit..
Gusto ko magka-baby
Gusto ko ng snow
Gusto ko ma-try mag-dubi
Gusto kong hindi mawala si wawa at gianne (dahil lahat ng close friend kong lalaki bigla nalang naglalaho) at siguraduhin na hindi mawawala ang mga taong pinakamamahal ko at napalapit na sakin
Gusto ko mabalik ang pagmamahal ko sa believers dati
Gusto ko magka-kotse na ang pinambili ay pera ko
Gusto ko magka-singsing
Gusto ko yumaman….
Andami kong gustong gawin pero parang naggi-give up nako dahil wala pakong inuumpisahan at di ko alam kung paano….at wala yata akong balak alamin kung paano…
Ganito parin ako…go with the flow…bahala na….bwiset….
04:44 am na nang pinost ito ni shalma
Permalink
*It's funny but it's not amusing*
tama na muna ang pag-ibig..tungkol sa buhay buhay naman tayo…
basahin nyo…interesting toh..hahahaha….
Lessons in life:
(Na parang mali.. pero isipin mo ng mabuti, totoo naman…)
Ø ok lang maging plastic…
ako plastic talaga akong tao…hindi ko sinasabi sa isang tao ang ugaling ayoko sa kanya dahil nakakasira lang yan ng pagkakaibigan…at kung ayaw nyo sa tao at nilayuan nyo na sya…pano nyo nalalaman kung ano talaga sya?
Ø Lahat ng tao may kina-ayawan sa lahat ng taong kakilala nya…
Wag kayo mag-deny…isipin nyong mabuti kung sino ang taong sobrang perpekto na ni minsan hndi napataas ang kilay mo sakanya…gisingin mo nalang ako pg naka-isip ka na…
Ø Walang taong hindi plastic…
Oh common! Bullshit yung mga nagsasabing hindi sila plastic at prangka silang tao..pwedeng prangka sila, pero hindi sa lahat ng oras… kaya wag kayo magmayabang…based on my experience, hindi rin nila sinasabi sa taong kina-ayawan nila ang mga pangit na ugali ng taong yun…dahil innate satin ang pag-uugaling ayaw natin maka-sakit… anong gagawin nila? Hindi lang nila papansinin yung taong yun…dba?
Ø Nakakasira ng pagkakaibigan ang pama-mrangka
Oh cge na…sabihin na nating magbabago siya at tingin nyo'y magiging strong ang friendship nyo…pwes, nagkakamali ka…dahil malamang sa malamang…nakatatak na sa utak nya na yun ang tingin mo sa kanya…e pano kung ikaw pla ang nagkamali at hindi naman talaga siya ganun? Patay ka…hahanap nalang siya ng kaibigang makakaintindi sa kanya.
Ø Hindi lahat ng lagi mong kasama ay close mo
Close kayo in terms of space..pero kilala ka ba nya? O baka naman ikaw lang nakakakilala sakanya…
Ø Hindi mababago ng pama-mrangka ang ugali ng isang tao…
Siguro naman may utak naman ang mga kaibigan mo kung ano ang tama at mali nyang gawin dba? Kung ginawa nya yun,..ibig sabihin ganun talaga sya..at gagawin at gagawin lang nya ulit yun..pero hindi sa harap mo…resulta: hindi na sya totoong tao sayo…
Ø Masarap kaibigan ang taong plastic…
Dahil hindi ka pababayaan nyan…kahit galit na ang mundo sayo…siya parin ang matitirang lalapit sayo…at imposibleng wala siyang magustuhan sayo pag nagkasama kayo..at mawawala rin ang pagka-plastik nyan…na hindi mo man lang nalaman na nagalit sya sayo…what's d point kung ayaw niya sayo dati? Ang mahalaga ay yung ngayon…
Ø Hindi ka plastic kung inaamin mong plastic ka..
Dahil pinapakita mo sa buong mundo kung ano ka talaga…at kahit mali ang ginagawa mo, basta tingin mo'y makakabuti naman sa iba..kahit di nila naiintindihan…kahit taliwas sa prinsipyo nila…basta alam mong tama..yun ang gawin mo…
kung iisipin nyong mabuti…tama naman ako diba?
04:42 am na nang pinost ito ni shalma
Permalink
|